Archive for July, 2005

We love to eat….obvious ba?

Thursday, July 28th, 2005

Kainan3

Our routine is almost always the same. While I drive Kyo to the BART station in the morning I would ask him, "Ano gusto mo for dinner? Wag mo sasabihin na kahit ano!". So this morning I asked him the same question and he immediately replied, "Wag mo sabihin wag mo sasabihin kahit ano!". Ano daw? Ang labo nun ah. Anyway, it has been really hard to think of what to cook for meals everyday. Although we love food and we love eating there’s just so many to choose from but so little time to prepare. Sometimes I feel guilty because other parts of the world have nothing to eat and here we are complaining that its hard to think of what to cook for dinner. We have been trying to eat less meat and more of the veggies. I’m having a hard time thinking of what to prepare since Kamille only eats lettuce (if it’s in a cheeseburger from In-N-Out), baby carrots, corn and broccoli (forced by the daycare owner).

Kainan2

When I first came to the US I was shocked at how big the servings in restaurants were. At first I wasn’t able to finish my plate but as months and years went by my stomach slowly adjusted to the portions of food being served on me. We love eating out and tasting different cuisines from around the world. Still no one can beat home-cooked meals, eating them at your convenience and at your own pace with your good friends. So it’s really not a wonder why we always get together on the weekends.

Mom_kitchen_2

We love being in the kitchen - whether it be cutting or slicing up the ingredients, to actually cooking, baking or barbecueing, washing the dishes (yes we do it by hand!) or just looking around….the kitchen is the place to be.

Memories of UPLB days

Wednesday, July 20th, 2005

Uplb

Taong 1991 nung una akong nakatungtong sa UPLB. Ayoko pa sanang gawing 1st choice ko sa UP application ang LB pero dahil meron kaming family friend na dun nag-aaral pumayag na din ako. Isa pa makakasama ko dun sina Badette at Myra na matagal ko nang ka-barkada high school pa lang. Unang taon tumira kaming tatlo sa St. Therese dorm. Siyempre dahil mga madre ang nagpapatakbo may curfew - 9:00 pm kaya! Dun sa dorm kelangan maaga ka gumising para makaligo o magpuno ka na ng isang timbang tubig sa gabi at itago sa yong kwarto. Kung hindi wala ng tubig pag gising mo sa umaga. Ang refectory kung saan kumakain ang mga dormers ay nasa ilalim ng kwarto ko. Kaya naman pag biyernes at bukas ang aking mga bintana nagigising ako sa boses ni Joe D’ Mango na nagbabasa ng Love Notes. Minsan nakaka-iyak, minsan naman nakaka-kilig (baduy ‘no?). May oras lang ang meals kaya pag di mo naabutan sorry ka!

Hindi ko naging roommate si Badette o Myra kasi magkaiba kami ng course. Silang dalawa ay Econ samantalang ako naman ay Bio. Siyempre Bio student din ang naging kasama ko sa kwarto. Mabait si Edel (naks tanda ko pa name niya!), masipag mag-aral at maayos sa kwarto. Sa kanya ko nga siguro nakuha ang pagiging OC. Siyempre kahiya naman na maging makalat kung sobrang linis ng kasama mo. Ang dami naming Freshman sa dorm na yun. Natakot siguro mga magulang namin na kung saan lang kami mapalagay kaya inihabilin kami kina Sister.

Pero isang Sem lang marami na sa amin ang naglipatan. Napunta naman kami sa Gonzales. Siyempre magkakasama pa rin kami ni Badette at Myra pero nadagdagan na kami ngayon. Kasama na namin si Arvee na pinsan ni Badette. Siya na ngayon ang Freshman at ang tinaguriang baby ng grupo. Paglipat namin ng Gonzales dito nagsimula ang mga gimik. Sumali kami ni Badette sa NSOP para naman daw tumulong sa mga bagong estudyante. Bola! May hidden agenda pala kami…..hehehe! Niyaya kaming tumakbo sa Student Council (Si Badette College Rep ng CEM at ako naman College Rep ng CAS) - nanalo naman kasi walang kalaban! Sumali kami sa Six Sigma at nagtayo rin ng sariling org - ang Red Lions. Marami kaming nakilala at naging matatalik na kaibigan - may mga sosi, tibak, nerds, fratmen, probinsiyano at siyempre mga locals or tubong LB.

Simple lang ang mga gimik namin pero walang tatalo sa saya. Patak-patak sa pagbili ng pang-inom kay Mang Pogs. Lahat yata ng mga babae sa LB ang tawag niya seksi! Pulutan na namin ang Fish Crackers o kaya naman ay Kropek (ang pringles ng LB). Pag lasing na magyayaya na na mag-ober da bakod papunta sa swimming pool ng Baker Hall. Kung hindi sa apartment ang inuman, sa field o kaya naman sa hintayan ng Tritran. Kung merong may sasakyan sa Panicles naman ang pupuntahan. Naghigpit na lang ang UPF (University Police Force) dahil sa nangyari sa dalawang upperclass na estudyante (di na ako magbibigay ng detalye at ayoko nang maalala). Kaya minsang gumimik kami sa may Tritran hinuli kaya kami ng UPF. First time ko makasakay sa sasakyang pampulis. Pero di naman ako masyadong natakot dahil kasama ko naman mga kabarkada ko. Pagdating sa presinto kanya kanya kaming chika sa mga pulis. Ayun pinauwi lang din kami at ibinalik naman nila ang aming mga inumin.

Mura lang ang pagkain sa LB at marami ka pang mapagpipilian. Nandiyan ang Batcave na kilala sa kanilang pamatay na Lechon Kawali. Ang Ellen’s na hanggang ngayon pinipilit ko pa rin si Kyo na hingin kay Elfredy ang recipe ng kanilang Fried Chicken. Gusto ko rin ang Baked Macaroni sa SU. Miss ko na rin ang mga ulam ni Tita Ann sa Catalan. Favorite din namin ang Tapsilog sa Big Mak. At pag paubos na ang allowance mag Lucky Me Batchoy ka na lang sa may Purefoods stand sa Ilag’s. Siyempre hindi kumpleto ang linggo ko pag hindi ako nakatikim ng Isaw ni Mang Nic sa may tapat ng Agrix. Sarap din ang mga pagkain sa Bug-Ong. In between classes kung type mong mag-merienda bili ka lang sa mga Bidani carts na matatagpuan sa mga sulok-sulok ng BioSci at PhySci.

Pangatlo naming tiniran ang White House (3rd floor, pinakadulo). Dami din naming gimik dito. Naaalala ko pa pag bumabalik kami ng weekend at inihahatid ng magulang ni Badette, nagmamadali ang isa sa aming umakyat para itago ang mga bote ng beer at alak. Linggo ng gabi pinaplano na namin ang mga lulutuin for the week. Kung sino ang may vacant period siya ang nakatoka na magluto. Pero pag ang lulutuin ay menudo or spaghetti asahan mong inuunahan na namin si Myra na magluto. Kami kasi ni Badette gusto namin ang Filipino style. Yun bang manamisnamis. Eh si Myra mala-Italian ang type. Pag wala kaming klase after lunch makikita mo kami ni Myra na nakahiga sa sala at nanonood ng Mara Clara sa aming 15" Black and White TV. Favorite yata namin ito at talagang sinusubaybayan. Pag minamalas ka meron kang mga siyam na exams sa isang linggo. Naranasan ko na ‘to at sobra talaga ang pressure. Minsan isang hapon sawang-sawa na akong mag-review kaya nagkayayaan na lang kami ni Badette na uminom. Ayun karipas kami ng baba sa tindahan para bumili ng Junior Emperador at Coke 500. Di pa nakuntento at gumegewang-gewang pa kami papuntang org house namin sa Catalan kung saan itinuloy pa ang inuman kasama ang mga brod at sis. Nang mahulasan balik na ulit sa pagre-review para sa exams. O di ba?!

Masarap maglakad-lakad sa LB. Presko at sariwa ang simoy ng hangin (pwera na lang dun sa buwan na may kakaibang amoy ang hangin - galing pala sa isang puno na ngayon ay tinatawag na nilang Semen Tree). In between classes tatambay lang sa Humanities steps, BioSci, PhySci, likod ng Main Library o kaya sa SU. Pag walang magawa pupunta sa Grove at mag-wi-window shopping sa Maces at Bookshelves.

Barkada1

Pero kahit na ma-gimik kami alam din namin kung hanggang saan lang ang dapat. Lahat sa aming grupo ay nakapagtapos at ngayon ay magaganda ang mga buhay. Paminsan-minsan ang mga barkada naming nasa Pilipinas ay nagkikita-kita, gumigimik pa rin pero ngayon ay kasama na ang mga asawa, gf/bf at mga anak. Kung meron man sa kanilang napapadpad dito sa may bandang California ay pilit naming ginagawan ng paraan para magkita kahit gaano pa man ka-hectic ang schedule namin dahil sa trabaho.

Barkada2

Nakaka-miss ang UPLB. Dami kong naging karanasan dito na hinding-hindi ko ipagpapalit kahit saan, kahit kanino. Hindi na yata ma-i-aalis sa pagkatao ko ang LB. Dito ko yata nakilala ang taong ngayon ay parati ko nang kasamang matulog sa gabi. Pero sa ibang Blog na ang kwento tungkol dun…..abangan ang susunod na kabanata!

Home Sweet Home

Tuesday, July 19th, 2005

Kitty1 This is Kitty - our adopted cat. Well actually we did not formally adopt him. When we bought our house last year I guess he came with the transaction - sort of. Eversince we moved he would always be there sitting outside. Sometimes he would go to the neighbor’s house and then back to ours. I guess they also felt sorry for him and feeds him too. We started giving Kitty scraps of leftovers. We let him come inside the house and whenever he’s there he would roam around and check out all the rooms. Lately we started buying him real cat food. Now I noticed that his hair wasn’t falling off in clumps anymore. I guess I’m still used to feeding pets table food just like in the Philippines. Kitty was a housecat and then suddenly he gets left behind and has to fend for himself. Now he’s a Pusakal (Pusang Kalye).

Kitty2 Having a pet is a big responsibility. I admit that I’m still debating on whether or not we should really take him in as our own. For now we are very much content on playing with him if he’s there, feeding him when he’s hungry and letting him come in if he’s cold. He knows where his home is that’s why he keeps coming back.

Two more months

Monday, July 11th, 2005

Two more months and the baby is finally coming out. I can’t wait for this to be over. I feel tired all the time and my feet are swollen. It’s getting hard to move around. I just finished putting together Kamille’s old crib and set it up next to our bed. I’ve bought a few baby clothes and a friend let me borrow some of her son’s baby stuff.

Two more months and we still don’t have a name for the baby. I’ve come up with a few K and A names but haven’t discussed it with Kyo yet. But then again Kamille has long since named her baby sister - Kate.